Ang Panday (2009)

Film Film Review recent showcase

[ Basahin sa: Baybayin ]

Kahapon, ika-27 ng Disyembre taong 2009, ang aking minamahal na si Sherlene at ako ay nanood ng Ang Panday na pinagbibidahan ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr.

Ang Panday ay isa sa mga opisyal na kalahok ng taunang Metro Manila Film Festival. At tulad ng mga nakaraang pelikula na pinagbidahan ni Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. ito ay puno din ng special effects at sinuportahan ng Enchanted Kingdom.

Aming masasabi na Ang Panday ay muling inakyat pataas ang antas ng pagsasagawa ng special effects sa pelikulang Filipino. Magandang bigyan ng papuri ang mga gumawa ng dragon dahil ito ay hindi halata, isang magandang senyales na talagang kaya naman ng Filipino gumawa ng magandang computer animation.

Ang tanging dapat na pagbutihin pa sa lugar ng special effects ay ang pag-kontrol sa laki ng ibang effects. Tulad na lamang sa eksena na kung saan ang kalaban ni Panday ang mga taong buhangin.

Tuwi na lamang masasaksak ang mga kalaban, may isang malaking pagsabog ng buhangin na nagmumula dito, nangyari tuloy ay wala ka nang makita masyado sa labanan o sa pagkakapatay sa kalaban.

Maaari na ito ang kanilang ginawa para maibaba ang movie rating ng pelikula sa General Patronage. Dahil kung ipinakita nila ang mga patayan, saksakan, pagpugot ng ulo, at kung anu-ano pa, eh baka bigyan pa ng movie rating na Parental Guidance-13 ang pelikula.

Ito ay maaari din ang dahilan kung bakit sa ibang mga labanan na may special effects na kasama, ang kamera ay naka out-of-focus. Kaya naman ang hirap din makita ng mga nangyayari sa eksena ng labanan.

Pangalawa, sa paggawa ng kwento. Dapat iwasan nila sa susunod ang pagsingit o paghalo ng mga romantikong eksena na wala naman kinalaman sa kwento at palabas.

Ang Panday ay isang pakikipagsapalaran ng isang tinadha na sugpuin ang lagim ng kadiliman. Ito ay isang pelikulang nabibilang sa aksyon na kategorya. Ang pagsingit ng mga romantikong eksena ay nakakasira ng dating o epekto ng palabas.

Ang hindi pa maganda dito ay hindi rin tama ang posisyon kung saan isiningit ang romantikong eksena. Ito naglalabanan, biglang susunod na eksena ay walang kabuhay-buhay na magkasama ang bida at ang dalaga sa isang kwarto at nagiisip kung tutulong ba sa pagtanggol ng bayan.

O kaya ay ang eksena kung saan malalagutan na ng hininga si Emelita (Rhian Ramos) at ang sinabi lang ay “hindi lang si Maria ang nagmamahal sa ‘yo”. Ang aking tanong, kailangan pa bang may ganoong eksena?

Ito lang ang tumakbo sa isip ko ng mga oras na iyon, “ang haba naman ata ng pelikulang ito” at naiirita na ako. Sa dalawang oras na itinakbo ng pelikula maaari pang mapaganda ang kwento kung nagamit lamang ng maganda ang bawat minuto ng palabas.

O puwede rin namang mapaikli ang pelikula ng hindi naaapektuhan ang takbo ng kwento at ang aksyon sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga eksenang wala namang kinalaman sa quest ng bida.

Binibigyan ko ang palabas na ito ng gradong 8 sa 10. At dahil nagbigay na ng tanda na may karugtong pa Ang Panday, sana lamang na maging mas maganda ang susunod.

Ilagay na lamang ang mga romantikong eksena sa umpisa o sa huli at huwag sa kalagitnaan ng aksyon kung saan maski ang mga nanonood ay nadadala na. At kung maaari lamang na ibang pamamaraan ang gamitin sa pag-censor ng mga labanan kaysa naman gawing out-of-focus ang kamera.

At gamitin pa ng husto ang dragon. Sayang naman at mabibilang lang natin sa kamay kung ilang beses pinakita ang dragon, maganda ang pagkakagawa, akala mo eh kumuha ng dayuhang computer animation director.

Congratulations sa buong grupo ng Ang Panday. Iangat pa ninyo ang pelikulang Filipino! Kaya natin ito!

Drop us a tip!

  • XLM (Stellar Lumens) 🚀🪐17: yukino*keybase.io XLM (Stellar Lumens) 🚀🪐17: yukino*keybase.io
    • XLM memo/tag (optional): for snoworld.one
    • Highly preferred
  • ZEC (Zcash) Z0.03: t1W7HusjBAXgquM7YHu6xDUEBejmYPKU2HC ZEC (Zcash) Z0.03: t1W7HusjBAXgquM7YHu6xDUEBejmYPKU2HC
  • XRP (Ripple) X5: rU2mEJSLqBRkYLVTv55rFTgQajkLTnT6mA XRP (Ripple) X5: rU2mEJSLqBRkYLVTv55rFTgQajkLTnT6mA
    • XRP memo/tag (required): 246013
  • STEEM: yahananxie STEEM: yahananxie
  • ETH_smartcontract (Etherium) Ξ0.007: 0x739d2aae2a5b7a4e1d64c58d121c9d908d706c83 ETH_smartcontract (Etherium) Ξ0.007: 0x739d2aae2a5b7a4e1d64c58d121c9d908d706c83
    • Gas: please use at least 35,000
    • Do not send non-smartcontract ΞTH and ERC20 tokens to this address.
  • ETH_ERC20 (Etherium) Ξ0.007: 0xB127362Dc268B63cE22E697344D2c51e673f18B6 ETH_ERC20 (Etherium) Ξ0.007: 0xB127362Dc268B63cE22E697344D2c51e673f18B6
    • Accepts non-smartcontract transactions and ERC20 tokens (in particular: AWC, ENJ, PAX, TUSD, USDC)
  • BCH (Bitcoin cash) ₿CH0.004: pp8fkmchlu6a7c53a2s682jd70mncrzemsthca6ftl BCH (Bitcoin cash) ₿CH0.004: pp8fkmchlu6a7c53a2s682jd70mncrzemsthca6ftl
  • XBT (Bitcoin core) ₿0.0002: 32w1De4wvr5jEzC4g5P4rkjvqg2bvMR8Vk XBT (Bitcoin core) ₿0.0002: 32w1De4wvr5jEzC4g5P4rkjvqg2bvMR8Vk
Review Card
Review Date
Reviewed Item
Ang Panday
Rating
31star1star1stargraygray

CC BY-SA 4.0 Ang Panday (2009) by ᜌᜓᜃᜒ (Yuki|雪亮) is licensed under a Creative Commons Attribution-ShareAlike 4.0 International License. Permissions beyond the scope of this license may be available at Legal Notice.

Leave a Reply

snoworld